Mga Hukom 5

Nagagalak ang aking puso dahil sa mga pinuno ng Israel at sa mga Israelitang nagkusang makibahagi sa digmaang ito. Purihin ang Panginoon!

Judges 5:9 (UKJV) My heart is toward the governors of Israel, that offered themselves willingly among the people. Bless all of you the LORD.

7Walang nagnanais tumira sa Israel, hanggang sa dumating ka, Debora, na kinikilalang ina ng Israel.

8Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong diyos, sumiklab ang digmaan sa pinto ng bayan. Ngunit sa apatnapung libong Israelita, ni isang kalasag o sibat man lang ay walang nakita.

9Nagagalak ang aking puso dahil sa mga pinuno ng Israel at sa mga Israelitang nagkusang makibahagi sa digmaang ito. Purihin ang Panginoon!

10“Kayong mayayamang nakasakay sa mga puting asno at nakaupo sa magagandang upuan nito, at kayong mga mahihirap na naglalakad lang, makinig kayo!

11Pakinggan nʼyo ang himig ng mga mang-aawit sa mga balon. Isinasalaysay nila ang mga tagumpay ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mamamayan sa mga nayon. “Pagkatapos, nagmartsa ang kanyang mga mamamayan sa may pintuan ng lungsod na nagsasabing,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.