Mga Hukom 5

Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong diyos, sumiklab ang digmaan sa pinto ng bayan. Ngunit sa apatnapung libong Israelita, ni isang kalasag o sibat man lang ay walang nakita.

Judges 5:8 (UKJV) They chose new gods; then was war in the gates: was there a shield or spear seen among forty thousand in Israel?

6“Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anat at nang panahon ni Jael, walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan. Ang mga naglalakbay doon ay dumadaan sa mga liku-likong daan.

7Walang nagnanais tumira sa Israel, hanggang sa dumating ka, Debora, na kinikilalang ina ng Israel.

8Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong diyos, sumiklab ang digmaan sa pinto ng bayan. Ngunit sa apatnapung libong Israelita, ni isang kalasag o sibat man lang ay walang nakita.

9Nagagalak ang aking puso dahil sa mga pinuno ng Israel at sa mga Israelitang nagkusang makibahagi sa digmaang ito. Purihin ang Panginoon!

10“Kayong mayayamang nakasakay sa mga puting asno at nakaupo sa magagandang upuan nito, at kayong mga mahihirap na naglalakad lang, makinig kayo!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.