9Nagagalak ang aking puso dahil sa mga pinuno ng Israel at sa mga Israelitang nagkusang makibahagi sa digmaang ito. Purihin ang Panginoon!
10“Kayong mayayamang nakasakay sa mga puting asno at nakaupo sa magagandang upuan nito, at kayong mga mahihirap na naglalakad lang, makinig kayo!
11Pakinggan nʼyo ang himig ng mga mang-aawit sa mga balon. Isinasalaysay nila ang mga tagumpay ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mamamayan sa mga nayon. “Pagkatapos, nagmartsa ang kanyang mga mamamayan sa may pintuan ng lungsod na nagsasabing,
12‘Gumising ka, Debora, gumising ka! Bumangon ka, at simulan mong umawit! Humayo ka, Barak na anak ni Abinoam; hulihin mo silaʼt iyong bihagin!’
13“Ang mga natirang buháy na mga mamamayan ng Panginoon ay kasama kong bumaba upang lusubin ang mga kilala at mga makapangyarihang tao.