10“Kayong mayayamang nakasakay sa mga puting asno at nakaupo sa magagandang upuan nito, at kayong mga mahihirap na naglalakad lang, makinig kayo!
11Pakinggan nʼyo ang himig ng mga mang-aawit sa mga balon. Isinasalaysay nila ang mga tagumpay ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mamamayan sa mga nayon. “Pagkatapos, nagmartsa ang kanyang mga mamamayan sa may pintuan ng lungsod na nagsasabing,
12‘Gumising ka, Debora, gumising ka! Bumangon ka, at simulan mong umawit! Humayo ka, Barak na anak ni Abinoam; hulihin mo silaʼt iyong bihagin!’
13“Ang mga natirang buháy na mga mamamayan ng Panginoon ay kasama kong bumaba upang lusubin ang mga kilala at mga makapangyarihang tao.
14Ang iba sa kanilaʼy nanggaling sa Efraim, na nooʼy pinag-ugatan ng mga Amalekita. Sumunod sila sa lahi ni Benjamin at ang kanilang mga sundalo. Lumusob rin ang mga kapitan ng mga hukbo ng Maquir; mula sa lahi ni Zebulun dumating ang mga namumuno.