11Pakinggan nʼyo ang himig ng mga mang-aawit sa mga balon. Isinasalaysay nila ang mga tagumpay ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mamamayan sa mga nayon. “Pagkatapos, nagmartsa ang kanyang mga mamamayan sa may pintuan ng lungsod na nagsasabing,
12‘Gumising ka, Debora, gumising ka! Bumangon ka, at simulan mong umawit! Humayo ka, Barak na anak ni Abinoam; hulihin mo silaʼt iyong bihagin!’
13“Ang mga natirang buháy na mga mamamayan ng Panginoon ay kasama kong bumaba upang lusubin ang mga kilala at mga makapangyarihang tao.
14Ang iba sa kanilaʼy nanggaling sa Efraim, na nooʼy pinag-ugatan ng mga Amalekita. Sumunod sila sa lahi ni Benjamin at ang kanilang mga sundalo. Lumusob rin ang mga kapitan ng mga hukbo ng Maquir; mula sa lahi ni Zebulun dumating ang mga namumuno.
15Sumama rin ang mga pinuno ng lahi ni Isacar kina Debora at Barak papunta sa lambak. Ngunit ang lahi naman ni Ruben ay walang pagkakaisa, kaya hindi makapagpasya kung sasama sila o hindi.