Mga Hukom 5

Sumama rin ang mga pinuno ng lahi ni Isacar kina Debora at Barak papunta sa lambak. Ngunit ang lahi naman ni Ruben ay walang pagkakaisa, kaya hindi makapagpasya kung sasama sila o hindi.

Judges 5:15 (UKJV) And the princes of Issachar were with Deborah; even Issachar, and also Barak: he was sent on foot into the valley. For the divisions of Reuben there were great thoughts of heart.

13“Ang mga natirang buháy na mga mamamayan ng Panginoon ay kasama kong bumaba upang lusubin ang mga kilala at mga makapangyarihang tao.

14Ang iba sa kanilaʼy nanggaling sa Efraim, na nooʼy pinag-ugatan ng mga Amalekita. Sumunod sila sa lahi ni Benjamin at ang kanilang mga sundalo. Lumusob rin ang mga kapitan ng mga hukbo ng Maquir; mula sa lahi ni Zebulun dumating ang mga namumuno.

15Sumama rin ang mga pinuno ng lahi ni Isacar kina Debora at Barak papunta sa lambak. Ngunit ang lahi naman ni Ruben ay walang pagkakaisa, kaya hindi makapagpasya kung sasama sila o hindi.

16O lahi ni Ruben, magpapaiwan na lang ba kayo kasama ng mga tupa? Gusto nʼyo lang bang makinig sa pagtawag ng mga tagapagbantay ng kanilang mga tupa? Wala talaga kayong pagkakaisa, kaya hindi kayo makapagpasya kung ano ang dapat ninyong gawin.

17Nagpaiwan din ang lahi ni Gilead sa silangan ng Jordan, at ang lahi ni Dan naman ay nagpaiwan sa trabaho nila sa mga barko. Ang lahi ni Asher naman ay nagpaiwan sa tinitirhan nila sa tabi ng dagat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.