14Ang iba sa kanilaʼy nanggaling sa Efraim, na nooʼy pinag-ugatan ng mga Amalekita. Sumunod sila sa lahi ni Benjamin at ang kanilang mga sundalo. Lumusob rin ang mga kapitan ng mga hukbo ng Maquir; mula sa lahi ni Zebulun dumating ang mga namumuno.
15Sumama rin ang mga pinuno ng lahi ni Isacar kina Debora at Barak papunta sa lambak. Ngunit ang lahi naman ni Ruben ay walang pagkakaisa, kaya hindi makapagpasya kung sasama sila o hindi.
16O lahi ni Ruben, magpapaiwan na lang ba kayo kasama ng mga tupa? Gusto nʼyo lang bang makinig sa pagtawag ng mga tagapagbantay ng kanilang mga tupa? Wala talaga kayong pagkakaisa, kaya hindi kayo makapagpasya kung ano ang dapat ninyong gawin.
17Nagpaiwan din ang lahi ni Gilead sa silangan ng Jordan, at ang lahi ni Dan naman ay nagpaiwan sa trabaho nila sa mga barko. Ang lahi ni Asher naman ay nagpaiwan sa tinitirhan nila sa tabi ng dagat.
18Ngunit itinaya ng lahi nina Zebulun at Neftali ang kanilang buhay sa pakikipaglaban.