27At humandusay sa paanan niya si Sisera; bumagsak at bumulagta; at kung saan ito humandusay doon ito namatay.
28“Nakadungaw sa bintana ang ina ni Sisera; hindi mapakali at nagtatanong, ‘Bakit hindi pa dumarating ang aking anak? Bakit hindi pa marinig ang tunog ng mga karwahe niya?’
29Sumagot ang mga pinakamatalino sa kanyang mga kababaihan, at ito rin ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili,
30‘Siguradong natagalan sila sa pangunguha at paghahati ng mga sinamsam; isa o dalawang babae para sa bawat sundalo, mga makukulay na damit para kay Sisera, at magagarang binurdang damit para sa akin.’
31“Kaya malipol sana ang lahat ng kalaban mo, O Panginoon. Ngunit ang mga nagmamahal sa inyoʼy matulad sana sa pagsikat ng araw na sobrang liwanag.” At nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng apatnapung taon.