1Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon, kaya ipinasakop sila ng Panginoon sa mga Midianita sa loob ng pitong taon.
2Napakalupit ng mga Midianita, kaya napilitan ang mga Israelita na magtago sa mga bundok, mga kuweba at sa iba pang tagong lugar.
3Tuwing magtatanim ang mga Israelita, nilulusob sila ng mga Midianita, Amalekita at iba pang mga tao sa silangan.
4Nagkakampo sila sa lugar ng mga Israelita at sinisira ang mga pananim nito hanggang sa Gaza. Kinukuha nila ang lahat ng tupa, baka at asno; wala talaga silang itinitira para sa mga Israelita.