Mga Hukom 6

Nagkakampo sila sa lugar ng mga Israelita at sinisira ang mga pananim nito hanggang sa Gaza. Kinukuha nila ang lahat ng tupa, baka at asno; wala talaga silang itinitira para sa mga Israelita.

Judges 6:4 (UKJV) And they encamped against them, and destroyed the increase of the earth, till you come unto Gaza, and left no sustenance for Israel, neither sheep, nor ox, nor ass.

2Napakalupit ng mga Midianita, kaya napilitan ang mga Israelita na magtago sa mga bundok, mga kuweba at sa iba pang tagong lugar.

3Tuwing magtatanim ang mga Israelita, nilulusob sila ng mga Midianita, Amalekita at iba pang mga tao sa silangan.

4Nagkakampo sila sa lugar ng mga Israelita at sinisira ang mga pananim nito hanggang sa Gaza. Kinukuha nila ang lahat ng tupa, baka at asno; wala talaga silang itinitira para sa mga Israelita.

5Sumasalakay silang dala ang kanilang tolda at mga hayop na kasindami ng mga balang. Hindi sila mabilang pati ang kanilang mga kamelyo. Winasak nila ang lupain.

6Naging kahabag-habag ang kalagayan ng mga Israelita, dahil sa mga Midianita, kaya humingi sila ng tulong sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.