6Naging kahabag-habag ang kalagayan ng mga Israelita, dahil sa mga Midianita, kaya humingi sila ng tulong sa Panginoon.
7Nang tumawag sila sa Panginoon dahil sa mga taga-Midian,
8pinadalhan sila ng Panginoon ng isang propeta na nagsabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Diyos: ‘Inilabas ko kayo sa Ehipto na kung saan inalipin kayo.
9Iniligtas ko kayo sa mga Ehipsiyo at sa lahat ng umaapi sa inyo. Pinagtagumpay ko kayo sa kanila at ibinigay ko sa inyo ang kanilang mga lupain.
10Sinabi ko sa inyo, ako ang Panginoon na inyong Diyos at hindi nʼyo dapat sambahin ang mga diyos ng mga Amoreo kung saan kayo nakatira ngayon. Ngunit hindi kayo nakinig sa akin.’ ”