Mga Hukom 7

Sumagot ang isa, “Ang panaginip moʼy walang iba kundi ang espada ni Gideon, ang Israelitang anak ni Joas. Pagtatagumpayin siya ng Diyos laban sa mga Midianita at sa ating lahat.”

Judges 7:14 (UKJV) And his fellow answered and said, This is nothing else save the sword of Gideon the son of Joash, a man of Israel: for into his hand has God delivered Midian, and all the host.

12Nagkampo sa lambak ang mga Midianita, Amalekita at ang iba pang mga tao sa silangan na parang balang sa dami. Ang mga kamelyo nila ay parang buhangin sa dagat na hindi mabilang.

13Nang makarating na sina Gideon, may narinig silang dalawang tao na nag-uusap. Sinabi ng isa, “Nanaginip ako na may isang pirasong tinapay na sebada na gumulong papunta sa kampo natin at tumama ito nang malakas sa isang tolda. Pagkatapos, natumba ang tolda at nawasak.”

14Sumagot ang isa, “Ang panaginip moʼy walang iba kundi ang espada ni Gideon, ang Israelitang anak ni Joas. Pagtatagumpayin siya ng Diyos laban sa mga Midianita at sa ating lahat.”

15Nang marinig ni Gideon ang panaginip at ang kahulugan nito, lumuhod siya at nagpuri sa Panginoon. At bumalik siya sa kampo ng mga Israelita at sinabi niya sa kanyang mga kasamahan, “Magsipaghanda kayo dahil pagtatagumpayin tayo ng Panginoon laban sa mga Midianita.”

16Hinati niya sa tatlong grupo ang tatlong daan niyang tauhan, at binigyan ang bawat isa ng trumpeta at mga banga na may ilaw sa loob nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.