14Sumagot ang isa, “Ang panaginip moʼy walang iba kundi ang espada ni Gideon, ang Israelitang anak ni Joas. Pagtatagumpayin siya ng Diyos laban sa mga Midianita at sa ating lahat.”
15Nang marinig ni Gideon ang panaginip at ang kahulugan nito, lumuhod siya at nagpuri sa Panginoon. At bumalik siya sa kampo ng mga Israelita at sinabi niya sa kanyang mga kasamahan, “Magsipaghanda kayo dahil pagtatagumpayin tayo ng Panginoon laban sa mga Midianita.”
16Hinati niya sa tatlong grupo ang tatlong daan niyang tauhan, at binigyan ang bawat isa ng trumpeta at mga banga na may ilaw sa loob nito.
17At sinabi niya sa kanila, “Tingnan nʼyo ako at gayahin nʼyo ang gagawin ko. Kapag malapit na ako sa kampo, kung anong gagawin ko, gawin din ninyo.
18Kapag pinatunog ko at ng mga kasama ko ang mga trumpeta namin, ganoon din ang gawin nʼyo sa palibot ng kampo, at isigaw nʼyo nang malakas, ‘Para sa Panginoon at kay Gideon!’ ”