Mga Hukom 7

Kaya dinala sila ni Gideon sa ilog. At dooʼy sinabi ng Panginoon, “Ibukod mo ang lahat ng uminom ng tubig sa kanilang kamay na parang umiinom na aso, at ibukod mo rin ang uminom nang nakaluhod.”

Judges 7:5 (UKJV) So he brought down the people unto the water: and the LORD said unto Gideon, Every one that laps of the water with his tongue, as a dog laps, him shall you set by himself; likewise every one that bows down upon his knees to drink.

3Kaya sabihan mo sila na kung sino man ang natatakot ay maaari nang umalis dito sa Bundok ng Gilead at umuwi na.” Nang sinabi ito ni Gideon, umuwi ang dalawampuʼt dalawang libo, at sampung libo na lang ang natira.

4Ngunit sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Napakarami pa rin ng mga naiwan. Dalhin mo sila sa ilog at susubukin ko sila. Kung sino ang sasabihin kong makakasama ay isama mo, at ang sasabihin ko na huwag isama ay huwag mong isama.”

5Kaya dinala sila ni Gideon sa ilog. At dooʼy sinabi ng Panginoon, “Ibukod mo ang lahat ng uminom ng tubig sa kanilang kamay na parang umiinom na aso, at ibukod mo rin ang uminom nang nakaluhod.”

6May tatlong daang katao ang uminom sa kanilang mga kamay, at ang iba naman ay uminom na nakaluhod.

7Sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Sa pamamagitan ng tatlong daang taong ito ay ililigtas ko kayo at pagtatagumpayin sa mga Midianita. Ang iba naman ay pauwiin mo na sa kani-kanilang lugar.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.