4Ngunit sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Napakarami pa rin ng mga naiwan. Dalhin mo sila sa ilog at susubukin ko sila. Kung sino ang sasabihin kong makakasama ay isama mo, at ang sasabihin ko na huwag isama ay huwag mong isama.”
5Kaya dinala sila ni Gideon sa ilog. At dooʼy sinabi ng Panginoon, “Ibukod mo ang lahat ng uminom ng tubig sa kanilang kamay na parang umiinom na aso, at ibukod mo rin ang uminom nang nakaluhod.”
6May tatlong daang katao ang uminom sa kanilang mga kamay, at ang iba naman ay uminom na nakaluhod.
7Sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Sa pamamagitan ng tatlong daang taong ito ay ililigtas ko kayo at pagtatagumpayin sa mga Midianita. Ang iba naman ay pauwiin mo na sa kani-kanilang lugar.”
8Kaya pinauwi nga sila ni Gideon matapos ipaiwan ang mga dala nilang baon at mga trumpeta; pinaiwan din niya ang tatlong daang taong napili. Ang kampo ng mga Midianita ay nasa ibaba lang ng bundok, kung saan sa itaas nito ay naroon sila Gideon.