Mga Hukom 8

Tumakas sina Zeba at Zalmuna, ang dalawang hari ng Midian, ngunit hinabol sila ni Gideon at nadakip, kaya nataranta ang lahat ng sundalo nila.

Judges 8:12 (UKJV) And when Zebah and Zalmunna fled, he pursued after them, and took the two kings of Midian, Zebah and Zalmunna, and humiliated all the host.

10Ngayon, sina Zeba at Zalmuna ay nasa Carcor kasama ang natitira nilang sundalo na labinlimang libo dahil mga isang daan at dalawampung libo na ang napatay sa kanila.

11Nagpatuloy sina Gideon sa paghabol. Dumaan sila sa lugar ng mga taong nakatira sa tolda sa silangan ng Noba at Jogbeha at sumalakay nang bigla sa mga Midianita.

12Tumakas sina Zeba at Zalmuna, ang dalawang hari ng Midian, ngunit hinabol sila ni Gideon at nadakip, kaya nataranta ang lahat ng sundalo nila.

13Nang umuwi na sina Gideon mula sa labanan, doon sila dumaan sa Pasong Heres.

14Nakahuli sila ng isang kabataang lalaki na taga-Sucot, at tinanong nila kung sinu-sino ang mga opisyal ng Sucot. At isinulat ng kabataang lalaki ang pangalan ng pitumpuʼt pitong opisyal na tagapamahala ng Sucot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.