Mga Hukom 8

Kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos na siyang nagligtas sa kanila laban sa lahat ng kaaway nilang nakapalibot sa kanila.

Judges 8:34 (UKJV) And the children of Israel remembered not the LORD their God, who had delivered them out of the hands of all their enemies on every side:

32Namatay si Gideon na anak ni Joas sa katandaan. Inilibing siya sa libingan ng kanyang ama sa Ofra, sa lugar ng mga angkan ni Abiezer.

33Hindi pa nagtatagal mula nang mamatay si Gideon nang muling tumalikod ang mga Israelita sa Diyos at sumambang muli sa mga imahen ni Baal. Ginawa nilang diyos si Baal-berit.

34Kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos na siyang nagligtas sa kanila laban sa lahat ng kaaway nilang nakapalibot sa kanila.

35Hindi sila nagpakita ng utang na loob sa pamilya ni Jerubaal (na siya ring tawag kay Gideon) sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.