Mga Hukom 8

Mula roon, umahon sina Gideon sa Penuel at ganoon din ang hiniling niya sa mga tagaroon, ngunit ang sagot nila ay katulad din ng sagot ng mga taga-Sucot.

Judges 8:8 (UKJV) And he went up thence to Penuel, and spoke unto them likewise: and the men of Penuel answered him as the men of Succoth had answered him.

6Ngunit sumagot ang mga opisyal ng Sucot, “Hulihin muna ninyo sina Zeba at Zalmuna at saka namin kayo bibigyan ng pagkain.”

7Sinabi ni Gideon, “Kung ganoon, kapag ibinigay na sa amin ng Panginoon sina Zeba at Zalmuna, paghahahampasin ko ang mga katawan nʼyo ng matitinik na sanga!”

8Mula roon, umahon sina Gideon sa Penuel at ganoon din ang hiniling niya sa mga tagaroon, ngunit ang sagot nila ay katulad din ng sagot ng mga taga-Sucot.

9Sinabi ni Gideon sa kanila, “Pagkatapos naming manalo sa mga kalaban namin, babalik kami rito at gigibain ko ang tore ninyo.”

10Ngayon, sina Zeba at Zalmuna ay nasa Carcor kasama ang natitira nilang sundalo na labinlimang libo dahil mga isang daan at dalawampung libo na ang napatay sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.