7Sinabi ni Gideon, “Kung ganoon, kapag ibinigay na sa amin ng Panginoon sina Zeba at Zalmuna, paghahahampasin ko ang mga katawan nʼyo ng matitinik na sanga!”
8Mula roon, umahon sina Gideon sa Penuel at ganoon din ang hiniling niya sa mga tagaroon, ngunit ang sagot nila ay katulad din ng sagot ng mga taga-Sucot.
9Sinabi ni Gideon sa kanila, “Pagkatapos naming manalo sa mga kalaban namin, babalik kami rito at gigibain ko ang tore ninyo.”
10Ngayon, sina Zeba at Zalmuna ay nasa Carcor kasama ang natitira nilang sundalo na labinlimang libo dahil mga isang daan at dalawampung libo na ang napatay sa kanila.
11Nagpatuloy sina Gideon sa paghabol. Dumaan sila sa lugar ng mga taong nakatira sa tolda sa silangan ng Noba at Jogbeha at sumalakay nang bigla sa mga Midianita.