Mga Hukom 9

Kaya kung para sa inyoʼy tunay at tapat ang ginawa nʼyo ngayon sa aking ama at sa pamilya niya, masiyahan sana kayo kay Abimelec at ganoon din siya sa inyo.

Judges 9:19 (UKJV) If all of you then have dealt truly and sincerely with Jerubbaal and with his house this day, then rejoice all of you in Abimelech, and let him also rejoice in you:

17Alalahanin nʼyo na nakipaglaban ang aking ama upang iligtas kayo sa mga Midianita. Itinaya niya ang buhay niya para sa inyo.

18Ngunit ngayon, kinalaban nʼyo ang pamilya ng aking ama. Pinatay nʼyo ang kanyang pitumpung anak sa ibabaw lang ng isang bato. At ginawa nʼyong hari ng Shekem si Abimelec, na anak ng aking ama sa alipin niyang babae, dahil kamag-anak nʼyo siya.

19Kaya kung para sa inyoʼy tunay at tapat ang ginawa nʼyo ngayon sa aking ama at sa pamilya niya, masiyahan sana kayo kay Abimelec at ganoon din siya sa inyo.

20Ngunit kung hindi, magbuga nawa ng apoy si Abimelec at lamunin ang mga mamamayan ng Shekem at Bet-milo. At magbuga rin nawa ng apoy ang mga mamamayan ng Shekem at Bet-milo at lamunin si Abimelec.”

21At pagkatapos ay tumakas si Jotam papunta sa Beer at doon tumira dahil natakot siya sa kapatid niyang si Abimelec.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.