Mga Hukom 9

At pagkatapos ay tumakas si Jotam papunta sa Beer at doon tumira dahil natakot siya sa kapatid niyang si Abimelec.

Judges 9:21 (UKJV) And Jotham ran away, and fled, and went to Beer, and dwelt there, for fear of Abimelech his brother.

19Kaya kung para sa inyoʼy tunay at tapat ang ginawa nʼyo ngayon sa aking ama at sa pamilya niya, masiyahan sana kayo kay Abimelec at ganoon din siya sa inyo.

20Ngunit kung hindi, magbuga nawa ng apoy si Abimelec at lamunin ang mga mamamayan ng Shekem at Bet-milo. At magbuga rin nawa ng apoy ang mga mamamayan ng Shekem at Bet-milo at lamunin si Abimelec.”

21At pagkatapos ay tumakas si Jotam papunta sa Beer at doon tumira dahil natakot siya sa kapatid niyang si Abimelec.

22Pagkatapos ng tatlong taon ng pamamahala ni Abimelec sa mga Israelita,

23pinag-away ng Diyos si Abimelec at ang mga taga-Shekem. Nagrebelde ang mga taga-Shekem kay Abimelec.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.