42Kinaumagahan, nabalitaan ni Abimelec na pupunta sa bukirin ang mga taga-Shekem.
43Kaya hinati niya sa tatlong grupo ang mga tauhan niya at pumunta sila sa bukirin at naghintay sa paglusob. Nang makita nila ang mga taga-Shekem na lumalabas sa lungsod, nagsimula silang lumusob.
44Ang grupo ni Abimelec ay pumuwesto sa may pintuan ng lungsod habang pinagpapatay ng dalawa niyang grupo ang mga taga-Shekem sa may kabukiran.
45Buong araw na nakikipaglaban sina Abimelec. Nasakop nila ang lungsod at pinagpapatay ang mga ang mga tagaroon. Pagkatapos, giniba nila ang lungsod at sinabuyan ng asin.
46Nang mabalitaan ito ng mga nakatira sa Tore ng Shekem, nagtago sila sa muog ng templo ni El-berit na napapalibutan ng pader.