Mga Hukom 9

Agad niyang tinawag ang tagadala ng armas niya at sinabihan, “Patayin mo ako ng espada mo upang hindi nila masabi na isang babae lang ang nakapatay sa akin.” Kaya pinatay siya ng kanyang utusan.

Judges 9:54 (UKJV) Then he called hastily unto the young man his armour bearer, and said unto him, Draw your sword, and slay me, that men say not of me, A women slew him. And his young man thrust him through, and he died.

52Nilusob ni Abimelec ang tore. At nang susunugin na sana niya ito,

53hinulugan siya ng babae ng gilingang bato at pumutok ang kanyang ulo.

54Agad niyang tinawag ang tagadala ng armas niya at sinabihan, “Patayin mo ako ng espada mo upang hindi nila masabi na isang babae lang ang nakapatay sa akin.” Kaya pinatay siya ng kanyang utusan.

55Nang makita ng mga tauhan ni Abimelec na patay na siya, nagsiuwi na sila.

56Sa ganitong paraan, pinagbayad ng Diyos si Abimelec sa ginawa niyang masama sa kanyang ama dahil sa pagpatay niya sa pitumpu niyang kapatid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.