Mga Panaghoy 1

Nabunyag sa lahat ang kanyang karumihan, at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan. Malagim ang kanyang naging pagbagsak, at walang sinumang tumutulong sa kanya. Kaya sinabi niya, “O Panginoon, tingnan po ninyo ang aking paghihirap, dahil akoʼy nilupig ng aking mga kaaway.”

Lamentations 1:9 (UKJV) Her filthiness is in her skirts; she remembers not her last end; therefore she came down wonderfully: she had no comforter. O LORD, behold my affliction: for the enemy has magnified himself.

7Ngayong ang Jerusalem ay nagdadalamhati at naguguluhan, naalala niya ang lahat ng dati niyang kayamanan. Nang mahulog siya sa kamay ng kanyang mga kaaway, walang sinumang tumulong sa kanya. At nang siyaʼy bumagsak, kinutyaʼt tinawanan pa siya ng kanyang mga kaaway.

8Napakalaki ng kasalanan ng Jerusalem, kaya naging marumi siya. Ang lahat ng pumupuri noon sa kanya ngayoʼy hinahamak na siya, dahil nakita nila ang kanyang kahihiyan. Sa hiya ay napadaing siya at tumalikod.

9Nabunyag sa lahat ang kanyang karumihan, at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan. Malagim ang kanyang naging pagbagsak, at walang sinumang tumutulong sa kanya. Kaya sinabi niya, “O Panginoon, tingnan po ninyo ang aking paghihirap, dahil akoʼy nilupig ng aking mga kaaway.”

10Ang mga kaaway niyaʼy ninakaw ang lahat ng kanyang kayamanan. At nakita niyang pumasok sa banal na Templo ang mga bansang pagano, silang mga ipinagbawal mo na pumasok sa iyong santuwaryo.

11Ang mga mamamayan niyaʼy dumadaing habang naghahanap ng pagkain. Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamanan para sa pagkain upang mabuhay. Sinabi ng Jerusalem, “O Panginoon, pagmasdan po ninyo sapagkat akoʼy nasa kahihiyan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.