Mga Panaghoy 1

Ang mga kaaway niyaʼy ninakaw ang lahat ng kanyang kayamanan. At nakita niyang pumasok sa banal na Templo ang mga bansang pagano, silang mga ipinagbawal mo na pumasok sa iyong santuwaryo.

Lamentations 1:10 (UKJV) The adversary has spread out his hand upon all her pleasant things: for she has seen that the heathen entered into her sanctuary, whom you did command that they should not enter into your congregation.

8Napakalaki ng kasalanan ng Jerusalem, kaya naging marumi siya. Ang lahat ng pumupuri noon sa kanya ngayoʼy hinahamak na siya, dahil nakita nila ang kanyang kahihiyan. Sa hiya ay napadaing siya at tumalikod.

9Nabunyag sa lahat ang kanyang karumihan, at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan. Malagim ang kanyang naging pagbagsak, at walang sinumang tumutulong sa kanya. Kaya sinabi niya, “O Panginoon, tingnan po ninyo ang aking paghihirap, dahil akoʼy nilupig ng aking mga kaaway.”

10Ang mga kaaway niyaʼy ninakaw ang lahat ng kanyang kayamanan. At nakita niyang pumasok sa banal na Templo ang mga bansang pagano, silang mga ipinagbawal mo na pumasok sa iyong santuwaryo.

11Ang mga mamamayan niyaʼy dumadaing habang naghahanap ng pagkain. Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamanan para sa pagkain upang mabuhay. Sinabi ng Jerusalem, “O Panginoon, pagmasdan po ninyo sapagkat akoʼy nasa kahihiyan.”

12Sinabi rin niya sa mga dumaraan, “Balewala lang ba ito sa inyo? May nakita ba kayong naghirap na kagaya ko? Ang paghihirap na ito ay ipinataw sa akin ng Panginoon nang magalit siya sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.