Mga Panaghoy 2

Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa; naglagay sila ng abo sa kanilang ulo at nagdamit ng sako upang magluksa. Ang mga dalaga ng Jerusalem ay nakatirapa, nakatungo ang mga ulo sa lupa.

Lamentations 2:10 (UKJV) The elders of the daughter of Zion sit upon the ground, and keep silence: they have cast up dust upon their heads; they have girded themselves with sackcloth: the virgins of Jerusalem hang down their heads to the ground.

8Nagpasya ang Panginoon na wasakin ang mga pader ng Jerusalem. Sinukat niya ang mga ito at isinakatuparan ang kanyang plano. Kaya ang mga muog at pader ay tuluyang nagiba; sama-samang nanlupaypay na.

9Bumagsak sa lupa ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem. Sinira at binali ng Panginoon ang mga saraduhan nito. Binihag ang hari at mga pinuno at dinala sa malayong mga bansa. Hindi na rin itinuturo ang kautusan at wala na ring mensahe o pangitain ang Panginoon sa kanyang mga propeta.

10Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa; naglagay sila ng abo sa kanilang ulo at nagdamit ng sako upang magluksa. Ang mga dalaga ng Jerusalem ay nakatirapa, nakatungo ang mga ulo sa lupa.

11Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang aking dibdib dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol.

12Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkain at maiinom sa kanilang mga ina. Nawalan sila ng malay tulad ng mga sugatang sundalo sa mga lansangan ng lungsod hanggang sa unti-unting mamatay sa kanlungan ng kanilang ina.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.