Mga Panaghoy 2

Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang aking dibdib dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol.

Lamentations 2:11 (UKJV) Mine eyes do fail with tears, my bowels are troubled, my liver is poured upon the earth, for the destruction of the daughter of my people; because the children and the infants swoon in the streets of the city.

9Bumagsak sa lupa ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem. Sinira at binali ng Panginoon ang mga saraduhan nito. Binihag ang hari at mga pinuno at dinala sa malayong mga bansa. Hindi na rin itinuturo ang kautusan at wala na ring mensahe o pangitain ang Panginoon sa kanyang mga propeta.

10Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa; naglagay sila ng abo sa kanilang ulo at nagdamit ng sako upang magluksa. Ang mga dalaga ng Jerusalem ay nakatirapa, nakatungo ang mga ulo sa lupa.

11Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang aking dibdib dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol.

12Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkain at maiinom sa kanilang mga ina. Nawalan sila ng malay tulad ng mga sugatang sundalo sa mga lansangan ng lungsod hanggang sa unti-unting mamatay sa kanlungan ng kanilang ina.

13O Jerusalem, ano pa bang masasabi ko sa iyo? Saan pa ba kita maihahambing? Kasinlalim ng dagat ang iyong sugat. Paano kita maaaliw? Sino ang makapagpapagaling sa iyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.