19Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa kong tulad ng mapait na lason.
20At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako.
21Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asa sapagkat aking naalala:
22Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan kaya hindi tayo tuluyang nalipol.
23Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon!