31Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman.
32Ngunit kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin.
33Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan.
34Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo,
35o balewalain ang karapatan ng tao.