Mga Panaghoy 3

Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon.

Lamentations 3:40 (UKJV) Let us search and try our ways, and return to the LORD.

38Hindi baʼt ang Kataas-taasang Diyos ang nagpapasya kung mangyayari ang isang bagay, mabuti man ito o masama?

39Kaya bakit tayong mga taoʼy magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan?

40Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon.

41Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at sabihin:

42“Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.