40Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon.
41Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at sabihin:
42“Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad.
43“Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay.
44Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili upang hindi nʼyo marinig ang aming mga panalangin.