44Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili upang hindi nʼyo marinig ang aming mga panalangin.
45Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa.
46“Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway.
47Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.”
48Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi.