56Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong.
57Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi ninyong huwag akong matakot.
58Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon, at iniligtas nʼyo ang aking buhay.
59Panginoon, nakita ninyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan ninyo ako ng katarungan.
60Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.