60Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.
61Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang kanilang mga pangungutya at alam ninyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.
62Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin.
63Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit.
64Panginoon, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa.