11Ibinuhos ng Panginoon ang matindi niyang poot sa Jerusalem, sinunog niya ito pati na ang pundasyon nito.
12Hindi makapaniwala ang mga hari sa buong mundo pati na ang kanilang mga nasasakupan, na mapapasok ng mga kaaway ang mga pintuan ng Jerusalem.
13Subalit nangyari ito dahil sa kasalanan ng mga propeta at mga pari nito na pumatay ng mga taong walang kasalanan.
14Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Nadungisan at puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.
15Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo. Huwag nʼyo kaming hipuin.” Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansa ngunit walang tumanggap sa kanila.