Mga Panaghoy 4

Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Nadungisan at puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.

Lamentations 4:14 (UKJV) They have wandered as blind men in the streets, they have polluted themselves with blood, so that men could not touch their garments.

12Hindi makapaniwala ang mga hari sa buong mundo pati na ang kanilang mga nasasakupan, na mapapasok ng mga kaaway ang mga pintuan ng Jerusalem.

13Subalit nangyari ito dahil sa kasalanan ng mga propeta at mga pari nito na pumatay ng mga taong walang kasalanan.

14Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Nadungisan at puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.

15Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo. Huwag nʼyo kaming hipuin.” Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansa ngunit walang tumanggap sa kanila.

16Ang Panginoon ang siyang nagkalat sa kanila at hindi na niya sila pinagmalasakitan. Hindi na iginagalang ang mga pari at ang mga tagapamahala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.