Mga Panaghoy 4

Ang Panginoon ang siyang nagkalat sa kanila at hindi na niya sila pinagmalasakitan. Hindi na iginagalang ang mga pari at ang mga tagapamahala.

Lamentations 4:16 (UKJV) The anger of the LORD has divided them; he will no more regard them: they respected not the persons of the priests, they favoured not the elders.

14Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Nadungisan at puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.

15Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo. Huwag nʼyo kaming hipuin.” Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansa ngunit walang tumanggap sa kanila.

16Ang Panginoon ang siyang nagkalat sa kanila at hindi na niya sila pinagmalasakitan. Hindi na iginagalang ang mga pari at ang mga tagapamahala.

17Lumalabo na ang aming paningin sa paghihintay ng tulong ng mga kakampi naming bansa, pero hindi sila tumulong sa amin. Sa aming mga tore ay nagbantay kami at naghintay sa pagdating ng mga bansang ito na hindi rin makapagliligtas sa amin.

18Binabantayan ng mga kaaway ang aming mga kilos. Hindi na kami makalabas sa mga lansangan. Bilang na ang mga araw namin; malapit na ang aming katapusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.