Mga Panaghoy 4

Ang parusa sa aking mga kababayan ay higit pa sa parusa sa mga taga-Sodoma, na biglang winasak ng Diyos at ni walang tumulong.

Lamentations 4:6 (UKJV) For the punishment of the iniquity of the daughter of my people is greater than the punishment of the sin of Sodom, that was overthrown as in a moment, and no hands stayed on her.

4Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila.

5Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap, ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan. Ang mga dating lumaking mayaman, ngayoʼy naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan.

6Ang parusa sa aking mga kababayan ay higit pa sa parusa sa mga taga-Sodoma, na biglang winasak ng Diyos at ni walang tumulong.

7Ang mga pinuno ng Jerusalem, nooʼy malulusog at malalakas ang katawan. Nakakasilaw ang kanilang kaputian gaya ng nyebe o gatas, at mamula-mula ang kutis tulad ng mga mamahaling bato.

8Ngunit ngayon, hindi na sila makilala at mas maitim pa kaysa sa uling. Mga butoʼt balat na lamang sila at parang kahoy na natuyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.