8Pagkatapos, ilalagay nila nang maayos sa apoy ang mga hiniwang karne, pati ang ulo at taba.
9Ngunit huhugasan muna ng nag-alay ang mga lamang-loob at mga hita, at pagkatapos ay susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
10“ ‘Kung ang iaalay naman ay handog na sinusunog mula sa kawan ng tupa o kambing, kailangang itoʼy lalaki at walang kapintasan.
11Kakatayin ito sa harapan ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar.
12Hihiwain ito ng naghandog, at maayos itong ilalagay ng pari sa apoy, pati na ang ulo at taba.