Leviticus 1

Kakatayin ito sa harapan ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar.

Leviticus 1:11 (UKJV) And he shall kill it on the side of the altar northward before the LORD: and the priests, Aaron's sons, shall sprinkle his blood round about upon the altar.

9Ngunit huhugasan muna ng nag-alay ang mga lamang-loob at mga hita, at pagkatapos ay susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

10“ ‘Kung ang iaalay naman ay handog na sinusunog mula sa kawan ng tupa o kambing, kailangang itoʼy lalaki at walang kapintasan.

11Kakatayin ito sa harapan ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar.

12Hihiwain ito ng naghandog, at maayos itong ilalagay ng pari sa apoy, pati na ang ulo at taba.

13Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.