Leviticus 1

Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

Leviticus 1:13 (UKJV) But he shall wash the inwards and the legs with water: and the priest shall bring it all, and burn it upon the altar: it is a burnt sacrifice, an offering made by fire, of a sweet savour unto the LORD.

11Kakatayin ito sa harapan ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar.

12Hihiwain ito ng naghandog, at maayos itong ilalagay ng pari sa apoy, pati na ang ulo at taba.

13Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

14“ ‘Kung ang iaalay naman bilang handog na sinusunog para sa Panginoon ay ibon, kinakailangang ito ay kalapati o batu-bato.

15Dadalhin ito ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg nito hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.