12Hihiwain ito ng naghandog, at maayos itong ilalagay ng pari sa apoy, pati na ang ulo at taba.
13Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
14“ ‘Kung ang iaalay naman bilang handog na sinusunog para sa Panginoon ay ibon, kinakailangang ito ay kalapati o batu-bato.
15Dadalhin ito ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg nito hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar.
16Pagkatapos, aalisin ng pari ang balahibo at bituka nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar kung saan inilalagay ang abo.