14“ ‘Kung ang iaalay naman bilang handog na sinusunog para sa Panginoon ay ibon, kinakailangang ito ay kalapati o batu-bato.
15Dadalhin ito ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg nito hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar.
16Pagkatapos, aalisin ng pari ang balahibo at bituka nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar kung saan inilalagay ang abo.
17At pagkatapos, bibiyakin niya ang ibon sa pamamagitan ng paghila ng mga pakpak nito, ngunit hindi niya paghihiwalayin, at saka niya susunugin ang ibon doon sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.’ ”