Leviticus 1

Pagkatapos, ipapatong ng nag-alay ang kanyang kamay sa ulo ng hayop, at ang handog na sinusunog na itoʼy tatanggapin bilang kapalit niya, upang matubos siya sa kanyang kasalanan.

Leviticus 1:4 (UKJV) And he shall put his hand upon the head of the burnt offering; and it shall be accepted for him to make atonement for him.

2“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng isang hayop sa Panginoon ay maaaring kumuha mula sa kawan ng kanyang baka, tupa, o kambing.

3“ ‘Kung ang iaalay niya ay isang handog na sinusunog mula sa kawan ng mga baka, kinakailangang ito ay lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan, upang itoʼy maging katanggap-tanggap sa Panginoon.

4Pagkatapos, ipapatong ng nag-alay ang kanyang kamay sa ulo ng hayop, at ang handog na sinusunog na itoʼy tatanggapin bilang kapalit niya, upang matubos siya sa kanyang kasalanan.

5Pagkatapos, kakatayin niya ang baka sa presensya ng Panginoon, at ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar, sa bandang pintuan ng Toldang Tipanan.

6Pagkatapos, babalatan at hihiwain ng naghahandog ang handog na sinusunog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.