17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa may banal na lugar? Ang handog na iyon ay napakabanal, at iyon ay ibinigay ng Panginoon sa inyo para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa presensya ng Panginoon.
18Sapagkat ang dugo nito ay hindi dinala sa loob ng banal na lugar, kinain sana ninyo iyon doon sa santuwaryo, ayon sa sinabi ko sa inyo.”
19Ngunit sumagot si Aaron kay Moises, “Kanina, naghandog ang aking mga anak ng kanilang handog para sa kasalanan at handog na sinusunog, subalit namatay ang dalawa sa kanila. Sa nangyaring ito, matutuwa kaya ang Panginoon kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayong araw?”
20Sumang-ayon si Moises sa sagot ni Aaron.