15Kapag naghandog ang mga Israelita, ihandog nila ang pitso at hita ng hayop, pati na ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang pitso at hita ay itataas nila sa Panginoon bilang handog na itinataas. Pagkatapos, ibibigay nila ito sa inyo dahil ito ang inyong bahagi sa handog. Itoʼy para sa inyo, at sa inyong mga angkan magpakailanman ayon sa iniutos ng Panginoon.”
16Nang siyasatin ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, napag-alaman niyang nasunog na itong lahat. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, na mga natitirang anak ni Aaron, at sinabihan sila,
17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa may banal na lugar? Ang handog na iyon ay napakabanal, at iyon ay ibinigay ng Panginoon sa inyo para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa presensya ng Panginoon.
18Sapagkat ang dugo nito ay hindi dinala sa loob ng banal na lugar, kinain sana ninyo iyon doon sa santuwaryo, ayon sa sinabi ko sa inyo.”
19Ngunit sumagot si Aaron kay Moises, “Kanina, naghandog ang aking mga anak ng kanilang handog para sa kasalanan at handog na sinusunog, subalit namatay ang dalawa sa kanila. Sa nangyaring ito, matutuwa kaya ang Panginoon kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayong araw?”