Leviticus 10

Kapag naghandog ang mga Israelita, ihandog nila ang pitso at hita ng hayop, pati na ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang pitso at hita ay itataas nila sa Panginoon bilang handog na itinataas. Pagkatapos, ibibigay nila ito sa inyo dahil ito ang inyong bahagi sa handog. Itoʼy para sa inyo, at sa inyong mga angkan magpakailanman ayon sa iniutos ng Panginoon.”

Leviticus 10:15 (UKJV) The heave shoulder and the wave breast shall they bring with the offerings made by fire of the fat, to wave it for a wave offering before the LORD; and it shall be yours, and your sons' with you, by a statute for ever; as the LORD has commanded.

13Kainin nʼyo ito sa may banal na lugar, dahil iyon ang inyong bahagi mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon. Ito ang iniutos sa akin ng Panginoon.

14Ngunit ang pitso at hita ng hayop na itinaas at inihandog sa Panginoon ay para saʼyo at sa iyong buong sambahayan. Kainin ninyo iyon sa lugar na itinuturing nating malinis. Itoʼy ibinibigay sa inyo bilang bahagi ninyo mula sa handog ng mga Israelita na handog pangkapayapaan.

15Kapag naghandog ang mga Israelita, ihandog nila ang pitso at hita ng hayop, pati na ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang pitso at hita ay itataas nila sa Panginoon bilang handog na itinataas. Pagkatapos, ibibigay nila ito sa inyo dahil ito ang inyong bahagi sa handog. Itoʼy para sa inyo, at sa inyong mga angkan magpakailanman ayon sa iniutos ng Panginoon.”

16Nang siyasatin ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, napag-alaman niyang nasunog na itong lahat. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, na mga natitirang anak ni Aaron, at sinabihan sila,

17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa may banal na lugar? Ang handog na iyon ay napakabanal, at iyon ay ibinigay ng Panginoon sa inyo para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa presensya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.