Leviticus 10

Kaya nagpadala ng apoy ang Panginoon at sinunog sila hanggang sa silaʼy mamatay sa harapan ng Panginoon.

Leviticus 10:2 (UKJV) And there went out fire from the LORD, and devoured them, and they died before the LORD.

1Ang dalawang anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu ay kapwa kumuha ng lalagyan ng insenso. Nilagyan nila ito ng mga baga at insenso at inihandog sa Panginoon. Ngunit ang ginawa nilang itoʼy hindi ayon sa utos ng Panginoon, dahil iba ang apoy na kanilang ginamit para rito.

2Kaya nagpadala ng apoy ang Panginoon at sinunog sila hanggang sa silaʼy mamatay sa harapan ng Panginoon.

3Sinabi ni Moises kay Aaron, “Iyan ang ibig sabihin ng Panginoon nang sabihin niya: ‘Malalaman ng mga lumalapit sa akin na akoʼy banal; Mapaparangalan ako sa harapan ng lahat ng tao.’ ” Hindi umimik si Aaron.

4Ipinatawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga lalaking anak ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi niya sa kanila, “Kunin ninyo ang mga bangkay ng inyong mga pinsan sa santuwaryo at dalhin ninyo sa labas ng kampo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.