7Huwag muna kayong umalis sa pintuan ng Tolda. Mamamatay kayo kapag umalis kayo, dahil pinili kayo ng Panginoon para maging mga pari sa pamamagitan ng pagpahid sa inyo ng langis ng olibo.” At sinunod nila ang iniutos ni Moises.
8Sinabi ng Panginoon kay Aaron,
9“Ikaw at ang iyong mga anak ay hindi dapat uminom ng alak o ng anumang inuming nakakalasing kapag papasok sa Tolda. Kapag ginawa ninyo iyon, mamamatay kayo. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.
10Dapat ninyong malaman kung alin ang nauukol sa Panginoon at kung alin ang para sa lahat, kung alin ang malinis at marumi.
11Kinakailangang turuan ninyo ang kapwa ninyo Israelita tungkol sa lahat ng tuntuning ibinigay ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises.”