Leviticus 11

Kung ang isang palayok o banga ay nahulugan ng patay na hayop na ito, ang lahat ng laman sa loob nito ay marumi na, at itoʼy dapat nang basagin.

Leviticus 11:33 (UKJV) And every earthen vessel, into where any of them falls, whatsoever is in it shall be unclean; and all of you shall break it.

32Ang alinmang bagay na mahulugan ng patay na katawan nito ay magiging marumi, maging itoʼy yari sa kahoy, tela, balat, o sako at ginagamit kahit saan. Itoʼy dapat hugasan ng tubig, ngunit ituturing pa ring marumi hanggang sa paglubog ng araw.

33Kung ang isang palayok o banga ay nahulugan ng patay na hayop na ito, ang lahat ng laman sa loob nito ay marumi na, at itoʼy dapat nang basagin.

34Ang lahat ng pagkain na nilagyan ng tubig mula sa bangang iyon ay marumi na. At marumi na rin ang anumang inumin na nasa bangang iyon.

35Ang alinmang mahulugan ng patay na katawan ng mga iyon ay magiging marumi. Kapag ang nahulugan ay pugon o palayok, ituring ninyong marumi iyon at dapat basagin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.